^

Dr. Love

Mapuputol na sustento

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Katatanggap ko lang ng sulat galing kay kuya, engineer siya sa Middle East. Matatapos na raw sa susunod na buwan ang kanyang kontrata. Uuwi siya para makahanap uli ng ibang mapapasukan. Ang problema ay hindi raw muna siya makapagpapadala ng sustento sa aming ina dahil gusto niya naman raw iuwi ng buo ang kanyang kita para makapag-enroll sa kursong medisina ang kanyang anak sa susunod na pasukan.

Nasa akin po ang aming ina para akong manga­laga sa kanya, dahil sasagutin naman ni kuya ang lahat ng kailangan ni nanay. Kamakailan lang ay inatake sa puso si nanay kaya kailangan niya ng pang-follow up check up.

Pero sa hipag ko ipinadadala ni kuya ang pera kaya P2,000 lang ang napupunta kay nanay. Nagsabi ako sa aking kapatid at nakiusap na sa bangko ko na niya idiretso ang pagpapadala para maihiwalay ko agad ang P10,000 libo na monthly allowance ni nanay.

Malaki ang sweldo ni kuya sa Dubai, may trabaho rin naman ang kanyang asawa kaya kung tutuusin ay hindi nila iindahin ang malaki-laking allowance para kay nanay.

Ako po ngayon ang namomroblema para sa nanay namin. Dahil ang iba kong kapatid ay pawang pamilyado na rin at ipinagkakasya lang ang kita para sa kani-kanilang pamilya. Ano po kaya ang dapat kong gawin, Dr. Love? Payuhan mo po ako.

Maraming salamat po sa inyo at sana, mabigyan ninyo agad ng kasagutan ang suliranin ko.

Gumagalang,

Janette

 

Dear Janette,

Subukan mong hikayatin ang iba mo pang mga kapatid na mag-ambag para sa pangangaila­ngan ng inyong ina. Dahil hindi naman magiging makatuwiran para sa pamilya ng kuya mo kung habang buhay na ninyong iaasa sa kanila ang pangangailangan ng inyong magulang. Matulu­ngang kayong lahat, sa halip na iasa lang sa isa ang responsibilidad.

Anumang mabigat na bagay kung pagtutulungan at sama-samang pagsisikapan ay matutugunan.

DR. LOVE 

vuukle comment

ANO

ANUMANG

DAHIL

DEAR JANETTE

DR. LOVE

DUBAI

GUMAGALANG

MIDDLE EAST

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with