^

Dr. Love

Kinalasan ng siyota

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung darating sa iyo ang sulat na ito bago mag-Pasko, hayaan mong batiin kita ng advanced Merry Christmas.

Tawagin mo na lang akong Tom, bagong graduate ng electrical engineering.  May girlfriend ako simula pa nung second year college ako pero nag-break kami kamakailan.

Siya ang unang nakipag-break sa akin at ang hinala ko ay may bago siyang kasintahan dahil wala naman kaming dapat pagkagalitan.

Tinatanong ko siya kung bakit pero ayaw niyang sabihin sa akin ang dahilan at ayaw na niya sa akin.

Malungkot ako dahil apat na taon din kaming magkasintahan at mahal na mahal ko siya.

Pagpayuhan mo ako, Dr. Love kung paano ko siya aamuin at makumbinsing bumalik sa akin. Salamat ng marami.

Tom

 

Dear Tom,

Sariling diskarte mo na kung paano mo siya makukumbinsing bumalik sa iyo, Tom. Pero kung ayaw na talaga niya, ano ang magagawa mo? Wala na.

Sa buhay ng tao ay may mga bagay na dapat nating tanggapin gaano man ito kasakit.

Marami namang babae riyan na mapagba­balingan mo ng iyong pag-ibig.

Alam kong mahirap itong gawin pero hindi naman dapat huminto ang buhay dahil lamang sa isang situwasyon.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

DEAR TOM

DR. LOVE

MALUNGKOT

MARAMI

MERRY CHRISTMAS

PAGPAYUHAN

PASKO

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with