^

Dr. Love

Tumanggi sa oportunidad

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa maraming pagkakataon ay kinaiinipan ko ang pananatili sa aming bahay, kaya nagpasya akong mag-apply bilang writer sa media relations office ng isang pulitiko. Kilala ko kasi ang head doon maging ang ilang empleyado, kabilang na si Mercy na dati kong kasamahan.

Minsan kaming nagkakawentuhan at nalaman ko ang bigat ng kanyang pasanin sa araw-araw. Bagaman nagpapahinga na lamang sana siya at tumatanggap ng pensiyon ay pinili niyang mamasukan pa rin para matugunan ang pangangailangan ng mga anak na babae na parehong may anak na.

Nitong nakaraan ko lang nakausap ang pinuno ng tanggapan, na si Melo at sinabi niya na tanggap naman na ako kaya lang ay wala pang pondo para sa aking pwesto. Maliban na lang kapag tinanggal na nila ang isang empleyado na laging masungit.

Ikinabigla ko nang malaman na si Mercy ang tinutukoy niya. Hindi ko po maatim na mang-agaw ng kabuhayan, lalo pa kay Mercy na lubhang nanga­ngailangan. Samantalang gusto ko lamang na magkaroon ng mapaglilibangan.

Ipinakiusap ko kay Melo na huwag nang ituloy ang balak niyang pagtanggal kay Mercy. At ang sinabihan niya akong tumatanggi sa oportunidad para sa kapa­kanan ng isang kaibigan?

May mali po ba sa ginawa ko, Dr. Love. Pagpayuhan po ninyo ako. Merry Christmas po sa inyo.

Gumagalang,

Prescilla

Dear Prescilla,

Bihira na lang ang taong nakahandang talikuran ang oportunidad para sa kapakanan ng higit na ngangailangan. Walang mali sa ginawa mo, sa halip ito ay kahanga-hangang gawi. Sigurado ako na darating ang takdang pagkakataon para sa katulad mo na may maawaing puso. Humahanga ako sa iyong kabutihan.

DR. LOVE

vuukle comment

BAGAMAN

BIHIRA

DEAR PRESCILLA

DR. LOVE

GUMAGALANG

HUMAHANGA

MELO

MERRY CHRISTMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with