^

Dr. Love

Bad habit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and hello to my trusted and favorite love adviser, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Cindy.

Mag-iisang taon na kaming break ng boyfriend ko na si Ricky dahil sa pangit na habit na hindi ko nagustuhan sa kanya.

Noong una’y hindi siya ganoon. Pero as we grew to be  more familiar to each other, nakita ko ang ilang hindi niya magandang gawi.

Kung minsan, nagkakamot siya ng singit sa harap ko. Minsan naman ay nangungulangot siya. Kahit gumagamit siya ng panyo ay parang nababastusan ako sa ganyang asal.

Ilang beses na siyang lumapit sa akin at tinatanong ang dahilan kung bakit nakipag-break ako sa kanya. Hindi ko masabi dahil parang ako mismo ang nanliliit kung sasa-bihin ko pa.

Sinabi ko na lang na na-realize kong hindi ko na siya mahal talaga.

Mapilit siya at may common friend kami na namamagitan para pagbigyan ko pa siya minsan pero determinado akong ilaglag na siya dahil turned off na ako sa kanyang masamang gawi.

Pero makulit siya at lagi akong tini-text. Ano ang dapat kong gawin?

Cindy

Desar Cindy,

Huwag mo na lang pansinin ang text message niya o kung makulit pa rin, magpalit ka ng number.

‘Yung mga kapintasang nakita mo sa kanya ay hindi seryoso. Ang tunay na kapin­tasan ay nasa ugali. Pero ‘yung mga gawi niya na nabanggit mo ay puwedeng baguhin kung tapat kang magsasabi sa kanya.

Pero iginagalang ko ang pasya mo. Na-turned off ka na at talagang mahirap nang ibalik ang dati mong pagtingin sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

CINDY

DESAR CINDY

DR. LOVE

HUWAG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with