^

Dr. Love

Gustong hanapin ang ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po akong Greg, 16-anyos, graduating po ako ngayong taon sa high school. Nakatira po ako sa aking lolo at lola dahil kasalukuyang nasa abroad ang mommy ko na isang medical doctor.

Hinihintay ko na lang ang approval sa petition niya para magkasama na kami.

Kami, dahil wala akong daddy. Hindi naman nila inilihim sa akin na anak ako ni mommy sa pagkadalaga. Huli na nang malaman niyang may pamilya pala ang aking daddy.

Sa kabila ng ganitong set up, maayos naman ang naging pagpapalaki sa akin ng lolo at uncle ko. Nakaalalay din si lola sa studies ko. Pero kung minsan ay hindi ko po maiwasan na mangulila rin sa ama.

Sinabi sa akin ni mommy na ipapakilala niya ako sa aking daddy sa tamang panahon. Pero mukhang hindi ko na ‘yun mahihintay. Gusto kong tuklasin kung sino ang daddy ko nang hindi nalalaman ni mommy. Ayaw ko rin na masira ang concentration niya sa kanyang propesyon. Tama lang po ba ang gagawin ko?

Maraming salamat po sa pagbibigay pansin ninyo sa liham kong ito.

Gumagalang,

Greg

 

Dear Greg,

Hindi kita masisisi kung itulak ka ng iyong pangungulila sa ama para alamin kung sino ang iyong biological father. Pero ang maipapayo ko sa iyo, pinakamabuti na sundin mo ang iyong mommy at magtiwala ka sa kanya na sa tamang panahon ay makikilala mo ang iyong daddy.

Marami kasi ang maaaring maging resulta kung pangungunahan mo ang iyong ina. Posi­bleng mabuti, maaari rin namang hindi, na makakaapekto hindi lamang sa iyo kundi lalo na sa mommy mo at sa kanyang propesyon.

Pinakamabuti na pagtuunan mo ng maigi ang iyong pag-aaral at sikapin na masuklian ng pagmamahal at importansiya ang pagtitiyaga ng iyong lolo, lola at uncle habang nasa malayo ang iyong mommy.

Lagi mo sana alalahanin ang iyong mommy na patuloy na nagpapakatatag para maitaguyod ka at masiguro ang pagkakaroon mo ng magandang kinabukasan.

Dr. Love

vuukle comment

AYAW

DEAR GREG

DR. LOVE

GREG

IYONG

MOMMY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with