^

Dr. Love

Worried si Lola

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang retiradong ina at kama­matay lamang ng aking asawa may isang taon na ang nakalilipas.

Bago po siya yumao, kinausap niya ang bunso kong anak na sa aming bahay na tumira para kami ay may makasama, yaman din lamang na kami din naman ang gumagastos ng kanilang mga pangangailangan kasama na ang tuition fee ng kanyang dalawang anak.

Ang anak kong ito ay hiwalay sa asawa at bagaman mayroong trabaho ay hindi kayang suportahan ang pag-aaral ng dalawang anak. Ang panganay na si Victor ay nasa kolehiyo na at ang pangalawa, na isang babae ay nasa huling­ taon na ng high school.

Walang trabahong matino ang dati niyang asawa na umaasa lang sa sustentado ng bago niyang babae. Kaya wala siyang malaking naiaambag sa tuition fee ng mga anak.

Ang problema ko po ngayon, ang aking apo na si Victor ay madalas ginagabi ng uwi galing sa eskwela. At kung hindi naman makaalis ng bahay ay pinupuntahan ng kanyang girlfriend sa aming bahay. Nangangamba ako na mag-asawa siya ng maaga. Masyadong maluwag ang anak ko sa aking apo.

Pinagsabihan ko na ang anak ko, hindi ko lang alam kung pinaalalahanan na niya ang anak niya. Hindi ko po gusto ang kalakaran ng mga kabataan ngayon, Dr. Love. Mentras pinag­sasabihan, lalong naninikis.

Hindi ko po alam kung masyado lang akong sinauna at kung hindi ko ba dapat pakialaman ang pagpapalakad ng aking anak sa kanyang sariling anak. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat at more power.

Lola Sally

Dear Lola Sally,

Natural lang ang nararamdaman ninyong pangamba para sa kabutihan ng mahal ninyong apo. Pero ang tungkulin ng magulang sa may sapat nang gulang na anak ay paalalahanan lamang sila. Ang pagpapasya ay nasa kanilang mga kamay na. Kaya relax lang dahil ang alalahanin ay hindi makakatulong sa iyong kalusugan. Ang pinakamagandang gawin ay lagi mong ipagdasal ang iyong anak at ang iyong mga apo. Dahil ang limitasyon ng tao ay magagawang punan­ ng Dios. Magtiwala lang tayo sa Kanya.

DR. LOVE

vuukle comment

ANAK

DAHIL

DEAR LOLA SALLY

DIOS

DR. LOVE

KAYA

LOLA SALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with