^

Dr. Love

Dahil kunsintidor ang ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo po ako sa pangalang Trina, isang problemadong ginang dahil ang asawa ay isang mama’s boy. Hindi lang po ang kawalan ng dis­posisyon ng asawa ko kundi maging ang pagiging kunsintidor ng kanyang ina sa kanyang bisyong sugal.

Maraming beses nang nangako si Rolly na hindi na siya magsusugal pero lahat po ‘yun ay napako. Ang masaklap pa ay malapit na akong manganak pero wala pa kaming ipon kahit pang-­donasyon na lang sa government hospital na dati kong pinanganakan sa aming panganay.

Ang kaunting kita ko sa pagbebenta ng ice candy, ice buko at iba’t ibang kakanin ay kinukuhang lahat ni Rolly para sa kanyang bisyo. May trabaho naman po siya pero pambayad lang sa utang niya sa opisina at sa tindahan na pinagkukunan namin ng iba pang kailangan.

Suspindido po ngayon si Rolly dahil sa rek­lamo na hindi pagbabayad sa iba pa niyang utang sa mga katrabaho niya na lumobo na ng 10,000. Wala nang malapitan dahil lahat ng malapit na kamag-anak, mga kapitbahay at kahit kakilala sa barangay ay sagad na sa mga utang na hindi naman agad mabayaran.

Ang sabi ng biyanan ko ay isanla ko raw ang iilang alahas na pinama sa akin ng aking lola para ipambayad sa atraso ni Rolly. Hindi po ako pumayag dahil ‘yun na lang ang huling pag-asa ko para sa aking panganganak. Nagalit ang bi­yanan ko at sinabing wala akong kwentang asawa at manugang.

Ano po ang dapat kong gawin? Nakakaisip na po akong umuwi sa aming probinsiya, sa aking­ mga magulang at bahala na kung ano ang mangyayari.

Gumagalang,

Trina

Dear Trina,

Marahil ang ipit na sitwasyon ng asawa mo ay paraan para matauhan na siya at pagkakataon naman para makapag-isip-isip ang iyong biyanan sa mga naging pagkunsinti niya sa anak. At wala kang kinalaman sa lahat ng ‘yun.

Ang ganyang estado ng iyong asawa at kanyang ina ay hindi makakatulong kahit kaunti para sa ikabubuti mo at ng iyong mga anak. Kaya sang-ayon ako na lumapit ka sa iyong magulang. Saka mo na lang isipin ang ibang problema kapag nairaos mo na ang panganganak at nakapagpalakas ka na. Magpakatatag ka.

DR. LOVE

vuukle comment

ANO

DEAR TRINA

DR. LOVE

GUMAGALANG

ITAGO

KAYA

MAGPAKATATAG

ROLLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with