^

Dr. Love

Mabilis si Kuya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang very pleasant day ang ipinararating kong pagbati sa iyo. Tulad ng iba, may problema rin ako sa pag-ibig na gusto kong ikonsulta sa iyo.

Sana ay paunlakan mo ang sulat kong ito at mabigyan mo ako ng payo.

Please call me Jimjim na lang. I am 20 years old, single and a college student.

May kuya po ako na nakapag-asawa. Dati kong friend ang napangasawa niya at noon pa mang magkaibigan lang kami ay may nararamdaman na akong pag-ibig sa kanya.

Kaso lang, hindi ako makapagtapat dahil kimi ako. Nang imbitahan ko ang aking mga friends sa aming bahay nung birthday ko ay kasama ko ang friend ko at ipinakilala ko sa mga magulang ko at sa kuya ko.

Napansin kong lagi silang nag-uusap at nalaman ko na lang matapos ang isang linggo na sila na. Nasaktan ako pero hindi ako makareklamo.

Last year lang nangyari ‘yon at mabilis ang mga pangyayari dahil after three months lang ay ikinasal sila dahil nabuntis ang friend ko na ngayo’y hipag ko na.

Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at alam kong mali ang nadarama ko. Ano ang gagawin ko?

Jimjim

Dear Jimjim,

Kalimutan mo siya. Iyan ang tanging magagawa mo. Sa ayaw mo at sa gusto, asawa na siya ng utol mo. Wala ka nang karapatang manligaw pa sa kanya.

Ikaw kasi totorpe-torpe ka. Hayan, naagaw tuloy ng kuya mo ang babaeng kursunada mo.

Ang payo ko, humanap ka na ng iba at ituring mong closed chapter ang pangyayaring iyan sa buhay mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DATI

DEAR JIMJIM

DR. LOVE

HAYAN

IKAW

ISANG

JIMJIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with