^

Dr. Love

Kiss and tell si Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal na po akong naaasar sa hindi magandang ugali ng aking asawa.

Mayroon na kaming mga anak at may 10 taon na kaming nagsasama bilang mag-asawa, lagi at laging hindi niya makalimutan ang mga naging siyota niya noon at lagi pang ibinibida sa kanyang mga kaibigan kung nagkakainuman sila sa bahay.

Ang hindi pa maganda, detalyado pa niyang kinukuwento ang mga romansa niya sa ibang babae. Dapat sana’y naiintindihan ko na siya dahil matagal na naman niyang ibinibida ito sa mga kausap kahit paulit-ulit na kung minsan.

Hindi niya alam na nasasaktan ako sa mga kuwento niya. Para bang hindi niya nalilimutan ang mga naging karelasyon niya. At pakiramdam ko, mistulang ikinukumpara niya ako sa mga dating girlfriends niya. Tama po ba ang obserbasyong ito?

Mahal ko naman ang aking asawa kaya nga lang parang wala na siyang pakundangan sa damdamin ko at ipinagmamalaki pa niya sa iba ang mga naging siyota niyang si ganito at gayon.

Dati po, pinupuna ko ang tila pagyayabang niya sa mga kaibigan pero nagagalit siya sa akin. Bakit ba raw pinag-iinitan ko ang mga kuwento niya na dati na naman niyang ginagawa. At mayroon na naman anyang asawa ang mga dati niyang karelasyon. Nagseselos daw ako sa wala. Tama po ba ‘yon?

Hindi naman ako nagseselos kundi naaasar lang ako sa mga pagyayabang niya. Ano po ba ang dapat kong gawin para huwag ko nang marinig ang ganitong mga kuwento niya?

Salamat po at hihintayin ko ang inyong payo bago ako ma-high blood.

Gumagalang,

Ninfa 

Dear Ninfa,

Sadyang may mga bagay na maaaring balewala sa iyong kapareha, pero sa iyo’y nakakasakit. Minsan pa ay humanap ka ng magandang tiyempo para malambing ang iyong asawa at saka mo pasuyong i-open ang tungkol sa nagi­ging kalooban mo kapag nagkukwento siya ng mga naging romansa sa ibang babae.

I-take advantage mo rin ang pagkakataon para tanungin siya kung bakit niya ginagawa ‘yon. Sa ganitong paraan ay mauunawaan ninyo ang isa’t isa.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

BAKIT

DAPAT

DEAR NINFA

DR. LOVE

NIYA

TAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with