^

Dr. Love

Walang gana dahil umiiwas sa sex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang po akong Sexy Susan. Matagal ko nang gustong humingi ng payo sa iyo kung paano ko masasabi sa aking asawa na madalas ay wala akong ganang makipagsiping sa kanya, mas gusto kong matulog na lang dahil sa pagod sa trabaho.

May tatlong anak kami sa loob ng wala pang sampung taong pagsasama bilang mag-asawa pero habang nagkakaedad ang mister ko ay hindi siya kumukupas pagdating sa sex. Nang minsan tanungin ko siya kung hindi ba siya napapagod sa pakikipagtalik, sinabi niyang dapat ipagpasa­lamat ko ‘yun dahil hindi siya nagbabago gaya ng aming first night makaraang makasal.

Ang sabi rin ng mga kaibigan ko ay ikatuwa ko iyon dahil nananatiling Sexy Susan ako sa pa­ningin ng aking asawa kahit na tumaba na ako. Gusto ko po itanong kung normal po ba sa isang babae na gaya ko na manghinawa sa pakikisiping sa mister ko? Matino po akong babae at ang ta­nging lalaki sa buhay ko ay ang asawa ko.

Isa pa pong dahilan kung bakit umiiwas akong sumiping sa aking asawa ay para hindi na masun­dan ang aming ikatlong anak. Karaniwang emple­yado lang po kami pareho at hindi na namin maka­ka­yanan na dagdagan pa ang aming mga anak.

 Payuhan mo po ako Dr. Love dahil ayaw ko namang maging dahilan ang kawalan ko ng gana sa sex para maghanap ng ibang babae ang asawa ko.

Maraming salamat at hintay ko po ang katu­gunan ninyo.

Gumagalang

Sexy Susan

Dear Sexy Susan,

Kasama sa mga obligasyon ng mag-asawa ay bigyan ng kaligayahan ang bawat isa at kabilang ang intimate moment dito. Kaya mas mabuti na kung may araw na pagod ka, sikapin mo na maka­bawi sa susunod na araw sa iyong mister. 

Kung ang pinangangambahan mo naman ang maaaring muling pagbubuntis, makakatulong ang contraceptives para maiwasan ito. Hingin mo ang rekomendasyon ng iyong health care provider para maging tugma ito para sa inyong mag-asawa. Mahalaga na mapanatiling maligaya ang pagsasama ng mag-asawa. Ang sabi sa mga research, nakakatulong ang intimate moment para mapanatiling mukhang bata at masigla ang mag-asawa. Ikaw rin.

DR. LOVE      

 

vuukle comment

ASAWA

DEAR SEXY SUSAN

DR. LOVE

GUMAGALANG

HINGIN

IKAW

ISA

SEXY SUSAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with