^

Dr. Love

Guilty Conscience

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Precious, 17 years old at college student.

Napakabigat ng problem ko, Dr. Love. Dahil sa isang gabing pagkakamali, halos isang taon na akong nagmumukmok at nagsisisi. Pero hindi na mababago ang mga nangyari na.

Sana ay matulungan mo ako sa problema ko. Hindi ako outstanding sa klase sa kinukuha kong course na mass communications pero matalino rin naman ako.

Hindi rin ako palabarkada at walang hilig sa gimmick. Hanggang sa mag-birthday ang isa kong classmate na medyo ka-close ko at inimbitahan ako sa party niya na ginawa sa isang club. Ayaw ko pero pinilit niya ako at pumayag ako sa huli.

Hindi ko inaasahang magiging wild ang party na iyon.  Mayroong inilagay sa drinks ko na gamot. Hindi ko alam. Nalango ako at ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na alam. Alam kong hindi nagalaw ang aking pagkababae pero alam kong nabastos ako ng ilang lalake sa okasyong iyon dahil nang medyo conscious pa ako ay may humahalik at humihipo sa akin.

Nang mahimasmasan ako ay gayun na lamang ang pagsisisi ko. Tiniyak ng friend ko na hindi ako na-rape. Virgin kasi ako at alam kong makakadama ako ng pananakit kung nagka­ganon. Galit na galit ako sa friend ko. Hindi ko na siya kinakausap kahit humihingi siya ng tawad sa akin.

Paano mawawala ang guilty conscience sa akin?

Precious

Dear Precious,

Sabi mo nga, hindi na mababago ang nangyari na. Pasalamat ka na lang at hindi nagalaw ang iyong pagkababae. Ngayon, ituring mo iyan na isang karanasang nagbigay ng mahalagang aral sa iyo.

Sa pagsasalaysay mo, naniniwala ako na matino kang babae. Huwag mong hayaang istorbohin ka ng mapait mong alaala. Huwag ka na lang uulit at iwasan ang barkadang magbubulid sa iyo sa kasamaan.

Pipiliin mo rin ang mga kaibigan mo at tiyakin na walang sino man ang magpapahamak sa iyo. Matalino ka kaya gamitin mo iyan, hindi lang sa iyong kursong kinukuha kundi sa pagdedesisyon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

AYAW

DAHIL

DEAR PRECIOUS

DR. LOVE

HUWAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with