^

Dr. Love

Inahas ang bf ng bestfriend

Pang-masa

Dear Dr. Love,

Abot langit po ang pagsisisi ko nga­yong nahihirapan na ako at hindi malaman kung saan kukuha ng pagkain para sa dalawa­ kong anak.

Iniwanan na ako ng siyam na taon kong live-in partner na inagaw ko lang sa aking matalik na kaibigan. Hindi ko po lubos na ma­isip kung bakit nagawa ko iyon kay Virgie­ na itinuring akong kapatid sa kabila ng pagka­kaiba namin ng antas ng pamumuhay.

Siya ang nagbabayad ng aking tuition fee at nagbibigay ng regular na allowance sa ara­­wang pagpasok ko sa paaralan. Ipinag­lilinis ko naman siya ng tirahan at nagluluto ng aming­ pagkain kung ayaw na niyang kumain sa labas.­

Nangako sa akin si Virgie na sa san­daling makatapos na kami kapwa sa pag-aaral, isasama niya ako sa US  at doon magta­trabaho sa nursing home ng kanyang pamilya.  

Mahal ko ang aking kaibigan. Pero ang kata­patan ko sa kanya ay nahaluan ng pag-iimbot nang makita ko ang kanyang boyfriend. Na-love-at-first-sight ako kay Harry kaya lahat­ ng alam kong paraan para maakit siya ay ginawa­ ko. At nagtagumpay ako, nahuli kami ni Virgie na nagroromansa at parehong pinalayas. Ang sabi ni Virgie, nag-aalaga pala siya ng ahas.

Dr. Love, gusto ko pong humingi ng tawad kay Virgie at kung hindi pa niya ako ganap na isinusumpa ay hinahangad kong maibalik ang aming pagkakaibigan. Sa pala­gay­ n’yo ba ay makukuha ko pa ang kanyang simpatiya?

Gumagalang,

Zony

Dear Zony,

Naniniwala ako na walang sugat na hindi napaghihilom ng panahon. Marahil kung ma­ipapakita mo ang sinseridad sa iyong pagsisisi ay makukuha mo ang pagpapatawad ng kaibigan.

Huwag mo sanang kalimutan ang maha­la­gang leksiyon na itinuro ng iyong karanasan at ang mapait na pagkawala ng isang tapat na kaibigan.

Dr. Love

vuukle comment

ABOT

AKO

DEAR ZONY

DR. LOVE

GUMAGALANG

HUWAG

SHY

VIRGIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with