^

PSN Opinyon

‘A World in crisis’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS KUMALAT at gumulat sa buong mundo ang balita sa nangyaring pag-atake sa Syria mula sa eroplano na ikinamatay ng maraming mamamayan doon ay bumuwelta at gumanti ngayon ang Amerika.

Mga batang paslit at walang kamuwang-muwang ang na­damay at mga babaeng walang kamalay-malay ang napuruhan sa chemical attack na ito.

Biyernes nang magpakawala ng missile strike ang Amerika sa Western Syria  kung saan pinaniniwalaan na nanggaling ang chemical attack.

Matapos ang ginawang pag-atakeng ito ng Amerika may ilang sumunod pang pag-atake ang naitala.

Nagmula ang mga pag-atakeng ito nang magpadala ang Russia na main ally ng Syrian regime ng frigate armed na may cruise missiles sa port sa Western Syria.

Marahil ay pagpapakita ito ng kanilang lakas sa ginawang pagkilos ng Amerika laban sa kanila.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung sino ang nag-utos o kanino nagmula ang ‘chemical attack’ na ikinamatay ng maraming mamamayan ng Khan Sheikhoun.

Ayon sa isang opisyal ng US halos dalawampung eroplano ang nasira nung inatake ang Shayrat base.

Handa naman daw ang Amerika na gumawa pa ng mga kasunod na pag-atake.

Giit naman ng Russia walang ebidensya o patunay ang Amerika na chemical weapon ang ginamit sa nangyaring pag-atake sa Syria.

Sa nangyaring pag-atake ng Amerika hindi nila intensiyon na sirain ang runways kundi ang pinuntirya ay ang mga aircrafts, fuel storage, weapon dumps at ilang pang kagamitan dito.

Paraan nila ito para iparating sa Syrian regimen na anumang paggamit ng chemical weapon ay hindi nila pinahihintulutan.

Sa pag-atakeng ito ng Amerika mas nangako pa ang Russia na tutulungan niyang patatagin ang air defense ng Syria.

Binati pa ni US President Donald Trump ang kanyang military men sa paggawa nito ng trabaho.

Buong mundo naawa at nakiramay sa mga biktima at namatay sa nangyaring chemical attack nung nakaraang linggo.

Hinuhubaran at binubuhusan ng tubig ang mga katawang naapektuhan. Ang mga pasyente sa mga ospital ay madaliang ginagamot sa pag-asang maisalba ang kanilang buhay.

Kapag ang isang kemikal naapektuhan ang katawan minuto lang ang bibilangin mo kapag hindi pa ito nalunasan siguradong ikamamatay ito ng tao.

Ayaw namang magbigay ng detalye ng White House kung anong hakbang ang susunod nilang gagawin.

May ilang biktima ng chemical attack na natutuwa sa naging aksyon ng Amerika pero may halong takot din.

Iniisip nila na baka gumanti ang Syrian regimen sa mga sibil­yan. Madadamay ang mga walang kalaban-labang mamamayan ng Syria.

Kaya ito ang pinuntirya ni Trump ay para hindi na magamit ang kung anumang kemikal pa ang natitira sa mga airbase ng Syria.

Ang tanong dito yun lang ba ang airbase na naglalaman ng mga kemikal na pwedeng pagkuhanan ng umatake?

May aatake sa Syria sasagot ang Amerika, aatake ulit ang Syria. Ang mahirap kung ang mga sibilyan ang mapuruhan na naman sa awayang ito at ang mga batang maliliit ang magbuwis ng huhay.

Siniguro naman ni Nikki Haley, American Ambassador to the UN na pinag-aaralan nilang mabuti ang kanilang mga kilos at tinitimbang itong mabuti.

Handa rin silang gumawa ng marami pang katulad ng pag-atake sa airbase.

Ayon kay Ambassador to UN nina Syrian President Bashar al-Assad ang nangyaring strike ay iresposable. May mga namatay daw na martyrs kasama ang mga kababaihan at kabataan sa nangyaring pag-atake.

May balita pang nakalap na pitong katao ang namatay dito at siyam naman ang nasugatan.

Wala rin daw chemical weapon ang ang Syrian government.

Ang ilan sa mga sumuporta sa ginawang airstrike ng Amerika ay ang UK, Australia, Israel at Saudi Arabia na kaalyado ng Amerika.

Habang naiintindihan naman ng Italy at Japan ang ginawang aksyon ng Amerika.

Pahayag ng isang Syrian activist kung talagang gusto ni Trump na iligtas ang Syria dapat makipag-usap siya direkta kay Assad.

Kapag nagpatuloy ang airstrike kinakailangan niyang kalabanin ang Iran at ang Russia na magreresulta lamang ng pagmatay ng maraming Syrian at pagkasira ng ilang bahagi ng Syria.

Hindi rin daw sapat ang pag-atakeng ito para patigilin ang pinuno ng terorismo.

Ganun pa man marami pa ring mga Syrian at ilang mamamayan sa buong mundo ang natuwa sa ginawang aksyon ni Trump.

Gumawa siya ng isang bagay na hindi naman gagawin ng maraming bansa dahil ang makakalaban niya ay ang Russia at Iran.

Bakit nga naman matatakot ng ganun na lamang ang Amerika gayung isa siya sa pinakamalaki at pinakamaimpluwensiyang bansa sa buong mundo.

Nakakadurog lang ng puso kapag nakikita mo ang mga pamil­yang nawalan ng mga mahal sa buhay at ibang biktimang hirap pa rin ang katawan nang dahil sa chemical attack.

Hanggang ngayon ay ramdam pa rin doon ang tensiyon at ang naiwang nasira ng pag-atake ay hindi pa naaayos.

Nagmistulang ghost town ang lugar lalo na’t puro nagluluksang pamilya ang naroon.

Ilang buhay pa ba o ilang taon pa ang bibilangin ng mga taga Syria o ng buong mundo bago matigil ang ganitong patayan sa nasabing lugar?

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451.

 Sa gustong maka-usap ako ng diretso maaari kayong tumawag sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

vuukle comment

CHEMICAL ATTACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with