^

Metro

Mister niratrat sa loob ng bahay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 46-an-yos na mister na nasa drug watchlist matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspect mismo sa loob ng bahay nito sa Pasay City, kamakalawa.

Dead-on-arrival nang dal­hin sa Pasay City Gene­ral Hospital (PCGH) ang biktimang si Arnold Buenaventura, alyas Atong, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-5:00 ng hapon sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. 147, Zone 16 ng naturang siyudad.

Nagpapahinga umano ang biktima nang  biglang pumasok ang grupo ng mga kalalakihan na armado ng baril  at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una. Mabilis na tumakas ang mga salarin makaraang matiyak na patay na ang biktima.

Sa rekord ng Pasay City, nasa drug watchlist  nila ang pinatay na biktima. Iniimbestigahan ang natu-rang insidente.

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with