^

PSN Palaro

Blatche ibabandera ang Gilas sa SEABA

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Si naturalized center Andray Blatche ang babandera para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa darating na SEABA Championship na nakatakda sa Mayo 12-18 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ihahayag na Final 12 ay isang tiket ang inireserba ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes para sa 6-foot-9 na si Blatche.

“We’re tapping Blatche because of our limited time in preparation for SEABA,” wika ni Reyes. “Our SEABA rivals can no longer be taken lightly in the same way that the South Ame-rican teams can no longer take us lightly.”

Si Blatche ay kasama sa Xinjiang Flying Tigers team na pumasok sa CBA Finals laban sa Guangdong Southern Tigers na binabanderahan nina da­ting NBA players Carlos Boozer at Donald Sloan.

Idedepensa ng Gilas ang SEABA crown laban sa Malaysia, Indonesia, Thailand, Singapore, Myan­mar at Vietnam.

Kailangang maghari ang Nationals sa nasabing torneo para makakuha ng tiket sa 2017 FIBA Asia Cup sa Beirut sa Agosto.

Dalawang Monday practice sessions lamang ang gagawin ni Reyes para sa Gilas kasunod ang paghihirang niya ng Final 15 para sa SEABA.

Ang nasabing Final 15 ay mag-aagawan para sa silya sa Final 11.

Ihahayag ni Reyes ang Final 15 bago ang 2017 PBA All-Star festivities kung saan lalabanan ng Gilas ang tatlong PBA All-Star teams sa Cagayan de Oro sa Abril 26, sa Lucena sa Abril 28 at sa Cebu sa Abril 30.

vuukle comment

BLATCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with