^

Metro

Mekaniko itinumba ng 2 nakamotorsiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mekaniko itinumba ng 2 nakamotorsiklo
Humandusay ang mekaniko na si Michael Acuña makaraang pagbabarilin umano ng riding-in-tandem sa may Batangas St., Tondo, Manila.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang 24-anyos na mekaniko nang barilin sa ulo ng dalawang ulit ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Michael Acuña, at residente ng Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa may Batangas St. Tondo.

Matapos ang pamamaril ay humarurot na papatakas ang mga suspek na inilarawan sa edad 20-25-anyos, balingkinitan, isa ang naka t-shirt na puti at isa ay nakasuot ng gray na t-shirt, nakasuot ng bull cap at magka-angkas sa Yamaha Mio motorcycle.

Sinabi ng live-in partner na si Julia Ann Campos, na matapos silang maghapunan, dakong alas-8:00 ng gabi kamakalawa ay dumating ang isang alyas Bale at sinabihan ito na  may pagkakaperahan sila.

Bandang alas 11:35 ng gabi nang tinatawagan ni Campos ang biktima ay hindi na ito nagre-reply  hanggang sa may magbalita sa kanya na napatay  na ang biktima.

vuukle comment

NAKAMOTORSIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with