^

Metro

MM may pinaka-maruming hangin -- DENR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
MM may pinaka-maruming hangin -- DENR
Ayon ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) batay sa isinagawang air monito-ring ng DENR sa kalidad ng hangin noong New Years Eve.
Philstar.com/File

Sa pagsalubong sa bagong taon

MANILA, Philippines – Pinakamatindi ang polusyon sa hangin sa Metro Manila sa pagsalubong ng Bagong Taon noong De-cember  31, 2016.

Ayon ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) batay sa isinagawang air monito-ring ng DENR sa kalidad   ng hangin noong New Years Eve.

Ayon sa Environmental Management Bureau ng DENR, ang air pollution sa Maynila ay umabot sa 448 micro gram per under normal level, 433 microgram sa Parañaque, 324 microgram sa Taguig, 285 microgram   sa Valenzuela at 175 microgram sa Muntinlupa.

Ayon kay Asst. Dir. Jacqueline Caancan ng Envi­ronmental Management Bureau, di hamak na mas mataas ang air pollution sa pagsalubong sa bagong  ta­on kung ikukumpara ito sa mga nagdaang taon.

 Sinabi ni Caancan, mas maraming gumamit nga-yon taon ng mga fountain o pailaw dahil na rin sa matin-ding kampanya ng pamahalaan kontra paputok kaya’t mas tumindi naman ang usok na likha nito na nagpatingkad sa polusyon sa hangin.

Dahil dito, pag-aaralan ng DENR na irekomenda sa DILG na isama rin sa mga ipagbabawal at kampanya ang paggamit ng mga pailaw tuwing New Year para sa kapakanan ng kalusugan ng mamamayan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with