^

Punto Mo

‘Unpleasant Person’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG white woman ang pumanhik sa punumpunong eroplano. Nang makita niyang isang black man ang kanyang makakatabi, hindi niya itinuloy ang pag-upo sa kanyang assigned seat at sa halip ay pinuntahan niya ang flight attendant upang magreklamo na hindi niya kayang makatabi ang isang black man kaya humihingi siya ng bagong upuan. Malakas ang boses ng white woman kaya marami ang nakakarinig sa kanyang reklamo.

Sandaling nakipag-usap ang flight attendant sa kanilang captain upang isangguni ang reklamo ng white woman. Pagbalik ng flight attendant,

“Mam, wala na pong available seat dito sa economy class. May isang available pero nasa business class. May company policy kami na hindi puwedeng ilipat sa business class ang nanggaling sa economy class.  Ngunit sa pagkakataong ito ay pumayag na ang aming captain na ilipat ang isang economy class passenger sa business class dahil nauunawaan niyang mahirap magkaroon ng katabing “UNPLEASANT person”.

Tuwang-tuwa ang supladitang white woman pero bago siya tumayo upang pumunta sa business class ay lumapit ang flight attendant sa black man:

“Sir, pakibitbit po ang inyong gamit at gusto ng aming captain na ilipat kayo sa komportableng puwesto sa business class. Kawawa raw naman kayo kung itatabi sa  isang “UNPLEASANT person”.

Nagpalakpakan ang mga pasaherong nakarinig ng buong usapan. Ang iba ay nag-standing ovation pa.

vuukle comment

UNPLEASANT PERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with