^

Police Metro

MMDA enforcer, huli sa kotong

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kalaboso ang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos na mahulog sa inihandang bitag makaraang ireklamo ng kotong ng isang driver na hinuli ng una dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Quezon City, kahapon ng madaling araw. Nakilala ang nadakip na si Jacinto Palisoc, ng Bagong Silang, Caloocan City. Inireklamo siya ng  driver na si Ruperto Capena, ng Purok 5, Gardenville, Sta Cruz Porac, Pampanga.

Base sa ulat, naganap ang pag-aresto sa kahabaan ng Mindanao Avenue, kanto ng Road 20, Tandang Sora, QC, dakong ala-1:50 ng madaling araw. Kuwento ni Capena, madalas umano siyang inaabangan ni Palisoc sa nasabing lugar simula pa noong nakaraang December 2016 kung saan kung anu-anong traffic violation ang ipinapatong sa kanya. “Maging ang cellphone number niya (suspek) ay ibinigay niya sa akin para i-text ko na lang daw siya kapag muling dadaan sa lugar at siya na lang daw ang huhuli sa akin,” sabi pa ni Capena. Dahil dito, isang entrapment operation ang kinasa ng mga ope­ratiba ng DSOU at CIDG-QC na ikinaaresto ng suspek matapos na tanggapin nito ang halagang P2,000 mula sa biktima. Nasamsam rin mula sa suspek ang nasabing halaga, dalawang cellphone, at isang kulay puting 650cc Kawasaki motorcycle.

vuukle comment

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with