^

Pang Movies

Erwin Tulfo hindi mahirap lapitan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Erwin Tulfo hindi mahirap lapitan
Erwin Tulfo

May mga nagsasabi o nagtatanong kung ang batikan, kilabot at walang takot na broadcaster ng TV5 na si Erwin Tulfo ay hindi mo basta-basta malalapitan para humingi ng tulong.

Teka, nang malaman ko ang kwentong ito, na-challenge kami. Sumugod kami sa main entrance ng network na Kapatid. At ‘yun na, dahil wala kaming appointment ay naghintay kami sa guard house.

Nang finally, makausap namin si Erwin bago magsahimpapawid ang kanyang Aksyon, natawa siya sa kwento namin. Through Miss Peachy Guioguio, ang head ng Corporate Department na tinawagan ang security force na papasukin kami.

Ang sabi ni Erwin, “Hindi po kami o ako mahirap lapitan o maarte tulad nang nababalitaan n’yo, mali po ‘yun hindi po totoo ‘yan tsismis lang ‘yan at hindi ako o ang iba ko pang mga utol ang matapang o malupit. Pero galit kami sa mga taong nang-aapi o nang-aagrabyado sa mga taong mahihina at duwag na walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili, andito ako para makatulong at ipaglalaban ko sila.  Open ang programa ko para makatulong, pero ‘yung totoo at hindi imbento lang ang isinusumbong sa akin”.

‘Yun naman pala, at take note hindi siya nagpapabayad, siya pa ang nagbibigay ng datung. At sa totoo lang ang daming tinutulungang vendors ni Raffy. Sa Diyos lang daw siya takot at sa sutsot ng kanyang butihing ina.  E, sa chicks kaya? Walang naisagot si Erwin at napakamot na lang sa ulo.

Tawag ng Tanghalan winner na may deperensiya ang mata napabilib ang lahat

Naiyak ako sa Tawag Ng Tanghalan segment ng It’s Showtime.

Ilang araw nang kampeon si Carl Montecido, isang anak ng magsasaka sa Mindanao. Noong first day na nanalo siya, praising at para sa Diyos ang winning song niya. Pati ang mga hurado na sina Rey Valera, Eric Santos, Nyoy Volante at audience ay nagtayuan.

Napabilib sila sa magandang boses at istilo ni Carl Montecillo na may depekto sa dalawang mata.  Praise the Lord Carl! Ipagpatuloy mo at hangad ko ang tagumpay para saiyo.

Get well soon…

Get well soon kaibigang Virgie Balatico. Thank God at okey na si Vero Samio. Ako naman ay on my way to recovery sa laser ng aking mata.  Salamat sa magaling na Eye specialist na si Dra. Anabel Galias ng Saint James Hospital at Adventus Clinic ng Sta. Rosa, Laguna.  Salamat din sa mga assistant nurse niya na sina Merley at ang mga nurse sa reception desk, kay Sis Lyn, at Mrs. Nelly Gomes. (Get well soon po tita Letty, Tita Vero and Tita Virgie. – SVA)

vuukle comment

TV5 NA SI ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with