CEO ng Rappler lumutang sa NBI
MANILA, Philippines — Lumutang na kahapon sa National Bureau of Investigation-Cybercrime Division ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa kaugnay sa natanggap na subpoena sa reklamong online libel ng negosyanteng si Wilfredo Keng.
Nag-ugat ang reklamo ni Keng nang ilathala noong 2012 ng Rappler ang artikulong pagpagamit nito ng SUV o Chevrolet Suburban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Bukod kay Ressa, kasamang pinadalhanng subpoena nitong nakalipas na Enero 10 ang dating Rappler reporter na si Reynaldo Santos at negosyanteng si Benjamin Bitanga, may-ari ng Dolphin Fire na shareholder ng Rappler Holdings.
Ayon kay Atty. Jose Jesus Disini Jr., abugado ni Ressa, sampung araw ang ibinigay ng NBI para sagutin nina Ressa, Santos at Bitanga, ang reklamo ni Keng.
Samantala, tiniyak naman ni NBI-Cybercrime Division Chief Manuel Eduarte na magiging patas sila sa pagsisiyasat ng reklamo.
- Latest