^

Bansa

OVP mabubuwag sa Chacha

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
OVP mabubuwag sa Chacha

Ayon kay Colmenares, sa ilalim ng “PDP-Laban constitution” ang Office of the Vice President ay mabubuwag sa 2019 ka­pag nagtagumpay sila sa pagsusulong ng bagong Konstitusyon at naratipikahan sa 2019 elections dahil dito kaya si Vice President Leni Robredo ay mapapatalsik sa puwesto bago magtapos ang kanyang termino sa 2022.  File

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares na mabubuwag ang Office of the Vice President habang hindi naman madidiskwalipika  sa pagtakbo si Pangulong Duterte sa 2022 sa ilalim ng isinusulong na Charter Change o Chacha.

Ayon kay Colmenares, sa ilalim ng “PDP-Laban constitution” ang Office of the Vice President ay mabubuwag sa 2019 ka­pag nagtagumpay sila sa pagsusulong ng bagong Konstitusyon at naratipikahan sa 2019 elections dahil dito kaya si Vice President Leni Robredo ay mapapatalsik sa puwesto bago magtapos ang kanyang termino sa 2022.

Paliwanag pa ni Colmenares, na habang iginigiit ng PDP-Laban na hindi nila ito gagawin kay VP Robredo ay taliwas naman ito sa nakasaad sa “PDP-Laban Constitution”  dahil hindi naman nila nilalabas ang transitory provision nito.

Kahit naman umano payagan na manatili si Robredo sa kanyang puwesto hanggang 2022, ay magiging ‘lame duck” ang bise presidente dahil kahit sa listahan ng line of succession ni Presidente Duterte ay hindi siya kabilang.

Ito umano ang nakasaad sa ilalim ng Section 7, Article VII ng PDP Laban Constitution, kung saan ang Senate President at kung walang kakayahan ay ang Speaker ang susunod kay Duterte sakaling mamatay siya o maaalis sa puwesto.

Samantala ang Bise Presidente ay hindi man lamang umano nabanggit sa line of succession dahil sa sanda­ling maratipikahan ang bagong konstitusyon ang kanyang tanggapan ay hindi na umiiral.

Pinuna din niya ang isang probisyon sa Chacha ng PDP Laban na hindi nag­didiskwalipika kay Duterte na tumakbo sa pampanguluhan sa 2022 at sa halip sa ilalim ng Section 3 ng Artile VII ay pinapayagan na tumakbo sa ikalawang termino ang presidente.

vuukle comment

BAYAN MUNA CHAIRMAN NERI COLMENARES

CHARTER CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with