^

Bansa

Saksing brgy. ex-o sa Tondo chairman slay, tinutugis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa isang barangay ex-official na nakasaksi sa pamamaril na ikinasawi ni Chairman Arnel “Bong” Parce  ng Barangay 20, Zone 2, District 1 sa Tondo noong nakalipas na Oktubre 11 ng gabi dahil sa pagtatago nito.

Ayon kay Manila Police District-Homcide Section chief, Senior Inspector Rommel Anicete, suspek o person of inte­rest na ngayon si Ams Imla Camin, tinatayang nasa 50-anyos, residente ng lugar at dating opisyal ng nabanggit na barangay.

Sa halip umano na makipagtulungan sa imbestigasyon ng pulisya, ay nagtatago si Camin kaya pinag-aaralan ang naging kaugnayan nito sa insidente ng pagpatay kay Chairman Parce noong gabi ng Oktubre. 11.

Sa kuha ng closed circuit television (CCTV) na inilabas na rin ng media sa publiko, makikita ang presensiya ni Camin nang dumating ang riding-in- tandem kung saan bumaba ang backrider sa lugar na kinaroroonan ni Parce habang ang mismong nag-drive ng motorsiklo ay dumiretso pa na hindi man lamang hinarang.

Nakita rin si Camin na walang naging aksiyon habang nagpapambuno at naagawan pa ng baril ni Christopher Balotinos alyas “Pipi” ang gunman ni Parce hanggang sa nakahulagpos ito at nagtatakbo patakas na bigong maputukan ni Pipi dahil sa walang bala.

Nang imbestigahan ang insidente, nabatid na kinumpiska ni Camin ang baril na naagaw ni Pipi sa gunman at iniuwi pa sa kaniyang bahay kaya hindi agad naiturn-over sa imbestigador.

Dakong hapon na noong Okt. 12 nang ilutang na sa Homicide Section ng maybahay ni Camin ang baril na nakumpiska at pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay kay Parce.

Kabilang si Camin sa dapat na magbigay ng kaniyang salaysay kaugnay sa kaniyang nasak­sihan sa pagpatay kay parce subalit hindi na siya matagpuan at wala rin sa kaniyang bahay.

Dahil dito, may posibilidad umano na may kinalaman o kasabwat si Camin sa krimen na patuloy pang iniimbestigahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with