PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bongbong ‘di maaagaw ang OVP

Naniniwala ang kampo ni Vice Pres. Leni Robredo na hindi magtatagumpay si dating senador Bongbong Marcos na maagaw ang Office of the Vice President (OVP) dahil malinaw na wala pa naman umanong nananalo sa recount. Bongbong Marcos/Released, File

MANILA, Philippines — Naniniwala ang kampo ni Vice Pres. Leni Robredo na hindi magtatagumpay si dating senador Bongbong Marcos na maagaw ang Office of the Vice President (OVP) dahil malinaw na wala pa naman umanong nananalo sa recount.

Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Rob­redo, sa panayam na mali rin ang paniniwala ni dating senador Marcos na masisimulan na sa lalong madaling panahon ang recount sa tatlong probinsya na tinukoy nito sa kanyang election protest laban kay Robredo.

“Sinabi ko nga na naghihingalo na ang protestang iyan ni Mr. Marcos, kasi wala pang nanalong election protest sa pamamagitan ng recount ng mga balota,” wika ni Macalintal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: