^

Bansa

Matapos isnabin, Imee Marcos dumalo sa House hearing

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
Matapos isnabin, Imee Marcos dumalo sa House hearing

Dumalo na ng House hearing si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos. File photo

MANILA, Philippines -- Dinaluhan na ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang pagdinig ng Kamara kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit niya ng 66.45 milyon tobacco excise tax matapos ang ilang beses na hindi pagsipot.

Kasamang dumalo ni Marcos ang kaniyang inang si Ilocos Norte 2nd district representative Imelda Marcos at dating senador Juan Ponce Enrile bilang kaniyang abogado.

Ayon sa gobernadora, ang kaniyang pagdalo ay isang pagpapakita ng respeto sa subpoena. Dakong alas-9 ng umaga dumating ang mga Marcos.

“Wala naman tayong panalo sa Kongreso. Teritoryo nila, pero respeto sa subpoena,” pahayag niya.

TINGNAN: Pagkukulungan ni Imee may aircon, TV, internet

Sa kaniyang pagdalo ay kinuha na rin niya ang pagkakataon upang depensahan ang sarili laban sa mga paratang na ibinabato sa kaniya.

Samantala, hindi naman napigilan ni Ilocos Norte 1st District Representative at Majority Leader Rodolfo Fariñas na pasaringan ang karibal na Marcos.

"She must be in real deep sh*t to have Titong Mendoza and JPE in her corner. And, I thought everything was legal!" wika ni Fariñas.

Sa naturang hearing, mariing pinabulaanan ng gobernadora ang umano’y maanomalyang paggamit ng tobacco funds na ginamit pambili ng 30 mini-cabs, limang segunda-manong bus, at 70 Foton mini trucks.

“Walang corruption, walang kickback,” giit ni Marcos.

Kamakailan lamang ay tahasang sinuway ni Marcos ang imbitasyon ng Kongreso matapos umanong payuhan ng kanyang kapatid na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag itong daluhan.

Bago nito, ikinulong ng House committee ang tinaguriang ‘Ilocos Six’ na may kinalaman sa nasabing maanomalyang transaksyon matapos nilang hindi makipagtulungan sa nakaraang pagdinig.

Binalaan din ng komite si Marcos na ikukulong kung hindi dadalo sa pagdinig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with