PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Alvarez sa 3 CA justices: Mga buwang!

MANILA, Philippines – Binantaan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang tatlong hukom ng Court of Appeals (CA) na ipatatanggal ang kanilang lisensya sa pagiging abogado dahil sa aniya’y patuloy na pangingialam nila sa Kamara.

Sinabi ni Alvarez sa kaniyang panayam sa radyo na walang kapangyarihan ang appellate court na manduhan sila.

“Ngayon, kaya itong mga tatlong gagong justices na ito, dapat ito… magpa-file kami ng disbarment cases for ignorance of the law, itong justices na ito,” wika ni Alvarez sa dzMM. “Mga buwang ba, buwang.”

“[P]ara sa akin, ay talagang wala silang jurisdiction sa amin. Sino sila para manduhan yung Kongreso kung ano ang dapat naming gawin?” dagdag niya.

Tatlong beses nang sinuway ng Kamara ang utos ng CA na palayain ang anim na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte na ikinulong ng Committee on Good Governance and Public Accountability.

Nakilala ang mga ito na sina Pedro Agcaoili, provincial planning and development office chairman; Eden Battulayan, provincial accountant; Josephine Calahate, provincial treasurer; Encarnacion Gaor, staff of the provincial treasurer’s office; Genedine Jambaro, staff of the provincial treasurer’s office at Evangeline Tabulog, provincial budget officer.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ikinulong ang anim na empleyado dahil sa hindi umano nila maalala kung kailan binili ang motor vehicles na nagkakahlaga ng P66 milyon.

Sinabi ni Alvarez na binili ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte ang mga hindi rehistrado at second-hand na multi cab sa halagang P480,000 bawat isa.

Aniya hindi dumaan ang pagbili sa tamang proseso.

“Ngayon, yung mga tumanggap ng tseke, ang tseke Ted, nagkakahalaga ng mahigit 30 million bawat tseke. Ngayon, noong tinanong yung tumanggap ng tseke, ang sabi niya wala raw siyang naaalala. Tapos lahat ng dokumento sa kapitolyo nawawala,” patuloy ni Alvarez. “Thirty million mahigit, tinanggap mo, hindi mo maalala?”

Nauna nang binalaan ni Alvarez ang Korte Suprema na hindi susundin kapag iniutos ang pagpupulong upang talakayin ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: