^

Bansa

Tiniyak ni Duterte: Pinas hindi makikipag-giyera sa China

Ellen Fernando, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Pangulong Rodrigo Du­terte na hindi makikipag-giyera ang Pilipinas sa China.

Ginawa ng Pangu­lo ang pagtiyak sa isang pulong-balitaan sa Davao City bago siya tumulak patungong Saudi Arabia kahapon.

Ayon sa Pangulo, ma­aring mag-relax ang China dahil hindi naman makiki­pag-giyera ang Pilipinas, sa halip nais lamang nitong panatilihin ang balanse sa geopolitical situation sa West Philippine Sea.

Tiniyak din niya sa China na hindi maglalagay ang pamahalaan ng “weapons base” o mga armas sa mga islang pag-aari ng Pilipinas sa South China Sea.

“Naroon lang tayo para angkinin ang isla para sa atin dahil atin talaga iyon at inutos ko sa AFP na magtayo ng mga istruktura doon para ipakitang atin ito,” wika pa ng Pangulo.

Hiniling din ng Pa­ngulo sa Beijing na unawain ang posisyon ng Pilipinas dahil na rin sa isyu ng kanya-kanyang pagkamkam ng mga teritoryo.

 Ang pahayag ng Pa­ngulo ay kasunod sa na­ging kautusan nito sa AFP na okupahan ang mga isla ng Pilipinas na inaangkin naman ng China sa SCS at tayuan ng bandila ng Pilipinas.

Binanggit din ng Pa­ngulo na pagbalik niya mula sa kanyang pagbisita sa Gitnang Silangan ay lalagdaan niya ang isang executive order na opisyal na nag-aatas na tatawiging Philippine Ridge ang pa­ngalan ng Benham Rise, ang 13-million hectare underwater plateau na nasa 250 kilometers east ng Dinapigue, Isabela.

Unang sinabi ng Pa­ngulo na kailangang imantine at pangalagaan ng Pilipinas ang hurisdiksyon nito sa SCS.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with