Kaso ni Matobato kay Duterte: Harrasment – Palasyo
MANILA, Philippines — Nanggugulo lamang ang umano’y miyembro ng Davao Death Squad sa pagsampa niya ng kaso laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.
Pinaalaala ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Ana Marie Banaag na may immunity ang Pangulo sa mga kaso.
"The complaint is nothing but harassment," sabi ni Banaag. "It is noteworthy to mention that the ombudsman cannot discipline or remove impeachable officials, which include the president."
Patung-patong na reklamo ang inihain ni Matobato sa Ombudsman laban kay Duterte at sa anak niyang si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Sinabi ni Banaag na dati nang ibinasura ng Ombudsman ang imbestigasyon sa DDS na pinamumunuan umano ng Pangulo noong alkalde pa siya ng Davao City.
"However, we acknowledge the constitutional mandate of the Office of the Ombudsman to act on and investigate complaints against government officials," wika ng tagapagsalita.
Humarap sa imbestigasyon ng Senado si Matobato nitong Setyembre kung saan inamin niyang marami nang napatay ang DDS.
Aniya ang utos ng pagpapapatay ay nagmumula sa noo’y alkalde ng Davao.
- Latest