^

Metro

Tricycle driver, todas sa tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todas ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in tandem habang ang biktima ay naglalakad pauwi sa kanilang tahanan sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Richard Alejandro, alyas Laway, 40, binata na nakatira sa 626 Lapu-lapu St., Brgy. Manggahan, Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Higino Dancel, nabatid na ang pagbaril sa biktima ay naganap dakong alas-10:30 ng gabi sa Lapu-lapu St., sa lungsod.

Ayon sa report, naglalakad pauwi  sa kanilang tahanan ang biktima noong harangin siya ng dalawang lalaki na sakay ng kulay itim na motorsiklo na walang plaka at walang sabi-sabing pagbabarilin.

Nang makitang bumulagta ang biktima ay mabilis na pinaharurot ng takbo ng mga suspek ang sinasakyan nilang motorsiklo para tumakas  habang ang biktima ay isinugod pa sa Salve Regina Hospital ng mga nakakita sa insidente pero idineklarang dead on arrival.

Sa inisyal na imbetigasyon, sinasabing ang biktima ay kabilang sa drug watchlist sa Brgy. Manggahan bilang isang pusher/user ng droga.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Pasig police para matukoy kung may kinalaman sa droga ang ginawang pagbaril at pagpatay sa biktima at upang matukoy at madakip ang mga salarin.

vuukle comment

TODAS SA TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with