^

Bansa

Leila ‘magpahinga’ ka muna - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

HANOI, Vietnam – Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Leila de Lima na magliban muna sa trabaho upang makagaan sa inaabot nitong stress kaugnay sa pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Bago umalis ng Pilipinas para sa 2-araw na working visit sa Vietnam, sinabi ni Duterte na maka­bubuting magpahinga na muna si de Lima at mag-day off muna dahil sa pagiging ‘aburido’ nito at pag-iisip ng kung anu-ano kasunod ng nangyaring riot sa loob ng Bilibid kahapon kung saan ay namatay ang isang drug lord at nasu­gatan ang apat na iba pa kasama ang convict na si Jaybee Sebastian.

“I think she’s breaking down. If she continues yacking there, she will have na nervous breakdown,” wika ni Duterte kahapon.

Kahapon ay hinamon ni de Lima si Pangulong Duterte na ipaaresto na lang siya at ipakulong dahil ito naman ang gusto niyang mangyari.

“Anong gagawin ko sa kanya? I-recommend ko siya sa Viva Films or ABS (CBN),” wika pa ni Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with