^

Bansa

‘De Lima tiyak na mapipiit’ - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Pangulong Rodrigo Du­terte na makukulong si Senador Leila de Lima dahil sa Bilibid drug money.

Sinabi ng Pangulo sa mensahe nito sa oath ta­king ng mga opisyal ng Malacañang Press Corps, Presidential Photographers Association at Malacañang Cameramen Association, walang duda na makukulong si De Lima dahil sa matibay na testimonial evidence.

Magugunita na sini­mulan ng Kamara ang im­bestigasyon nito sa drug activities sa loob ng National Bilibid Prison kung saan ay ilang convicts ang tumestigo at itinuturo na nagbibigay sila ng milyon-milyon para sa senatorial campaign fund ni De Lima na noon ay kalihim pa ng Department of Justice.

Inamin ng mga tumestigo sa Kamara tulad ni Henry Colangco na nagbigay sila ng milyon kay De Lima sa pamamagitan ni Jonel Sanchez na security aide ng DOJ chief para sa kandidatura nito bilang senador.

Winika pa ni Pangulong Duterte, inatasan na niya ang DOJ sa pamumuno ni Sec. Vitaliano Aguirre na magsampa ng matibay na kaso matapos ang isinasagawang imbestigasyon laban kay De Lima.

“Matagal na niyang hawak si Edgar Matobato noong DOJ chief pa lamang siya pero bakit hindi anya siya nagsampa ng kaso laban sa kanya.”

Kinuwestyon din ni Duterte kung bakit ginamit ni De Lima ang convict na si Jaybee Sebastian bilang government asset o ‘sexual asset’ kung saan ay apat na oras silang nagkukulong sa ‘kubol’ nito sa loob ng Bilibid.

Pinagtawanan lamang ni Duterte ang patutsada ni De Lima na baka may gusto ito sa kanya kaya ayaw siyang tigilan nito.

“Susmaryosep. Eve­rytime I view the video nawawalan akong gana. She should not be nonchalant about these things. Ambition is good, but her sexuality pulls her down,” dagdag pa ni Duterte.

Nakikiusap si De Lima na ‘tantanan’ na siya ni Pangulong Duterte sa ‘pambabastos’ pero ang sagot dito ni Pangulong Rody ay siya ang nagsimula nito at siya ang nagsimulang bastusin ang kanyang pagkatao kahit noong alkalde pa lamang siya ng Davao City ng pilit siyang iugnay sa Davao Death Squad pero wala naman itong napatunayan at hindi nakapagsampa ng kaso laban sa kanya. (May ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with