^

Bansa

PNP officials sangkot sa P1.8M medical exam scam pinasisibak

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng tanggapan ng Ombudsman na sibakin sa serbisyo ang mga police officials na sina P/Supt. Elizabeth Milanes at P/Supt. Digna Ambas ng PNP Health Service matapos mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct at 4 counts ng graft na may kinalaman sa P1.8 milyong medical exam scam.

Pinakakasuhan din ng Ombudsman ang dalawang opisyal hinggil sa paglabag sa naturang mga kaso sa Sandiganbayan.

Bukod sa dismissal sa serbisyo, kinansela ng Ombudsman ang kanilang eligibility at retirement benefits ng dalawa at pinagbabawalang magtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

Sa imbestigasyon noong taong 2010 ng PNP Regional Investigation and Detective Management Group, nadiskubre ang anomalya sa Regional Health Service 3 (RHS3) na pinamumunuan nina Milanes at Ambas.

Sinasabing nagsabwatan sina Milanes at Ambas para imanipula ang medical examination results ng mga police applicants at may  41 police trainees ang nagsabi na sila ay nagbayad para sa  medical examinations at vaccines ng cash kahit wala silang natanggap na official receipts.

Sa imbestigasyon, karamihan  umano sa mga aplikanteng pulis ay nadiskuwalipika kahit walang naibibigay sa kanilang kopya ng resulta ng medical exam at ang medical screenings ay ginagawa ng mga on-the-job trainees kahit hindi pinangangasiwaan ng mga  organic personnel ng RHS3.

Sinasabing pinayagan din nina  Milanes at Ambas ang E. Indiongco Diagnostic Laboratory na magsagawa ng medical exams kahit walang naisagawang public bidding para dito at pinayagan pang magamit ang opisina sa RHS3 nang walang bayad.

Dahil dito, kasama sa pinakakasuhan si Eduardo Indiongco ng Indiongco Laboratory.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with