^

Bansa

Serge: VP race two-way fight nina Leni, Bongbong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumbinsido si Sen. Serge Osmeña na ang karera sa pagkabise presidente ay sa pagitan na lang nina LP vice presidential candidate Leni Robredo at Bongbong Marcos.

Masikip man ang kompetisyon, iginiit ni Osmeña sa isang panayam na sina Robredo at Marcos na lang ang naglalaban para sa posisyon.

Ngunit binigyang diin ni Osmeña na maaari ring makahabol sina Sens. Chiz Escudero at Alan Peter Cayetano.

Sa nakaraang Social Weather Stations (SWS) survey, nakuha na ni Robredo ang kalamangan kay Marcos, nang makakuha siya ng 26 porsiyento, angat ng isang porsiyento sa mahigpit niyang katunggali.

Ang nakuhang rating ni Robredo ay mataas ng pitong puntos sa nakuha niya sa survey ng SWS mula March 30 hanggang April 2.

“Kailangan nating i-maintain iyong lead kaya ipinagdadasal natin na iyong 14 days enough para ma-maintain natin iyon,” wika ni Robredo sa isang panayam.

“Malapit na malapit na pero tingin ko naman, mabuti naman iyong naging resulta ng ilang buwan na pag-iikot,” dagdag pa niya.

Ang pag-angat ni Robredo ay bunga ng maganda niyang performance sa nakalipas na dalawang vice presidential debates.

Batay sa Bilang Pilipino-Social Weather Stations (SWS) mobile survey, napili si Robredo bilang nagwagi sa ikalawang VP debate noong April 17. Nasa 33 percent ng 632 respondents ang pumili kay Robredo bilang nanalo.

Kilalang abogado ng mahihirap, nagbigay si Robredo ng libreng serbisyong legal sa mahihirap na sector ng lipunan, kabilang ang magsasaka, mangingisda at inaabusong kababaihan sa mahabang panahon bago naging kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with