^

Bansa

Prince Albert nasa bansa

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa bansa para sa 2-day state visit sa Pilipinas ang Prinsipe ng Monaco na si Prince Albert 11 na dumating kagabi sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Lulan ng special flight (Falcon 7x) ang Monaco prince na lumapag dakong alas-6:20 kagabi sa Villamor airbase sa Pasay City.

Ngayong Huwebes ay magtutungo ang prinsipe sa Malacañang para sa courtesy call kay Pangulong Aquino.

Magkakaroon ng expanded bilateral meeting sina Pangulong Aquino at Prince Albert kasunod ang pagsaksi ng mga ito sa mga kasunduan sa pagitan ng Monaco at Pilipinas. Pagkakalooban naman ni PNoy ng state luncheon ang bumibisitang prinsipe ng Monaco sa Malacañang.

Bandang alas-4:00 ng hapon ngayon ay magtutungo ang prinsipe ng Monaco sa Palawan para sa kanyang 7-araw na bakasyon.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with