^

Bansa

Supporters ni Duterte hinaras

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaranas umano ng pangha-harass ang mga supporters ni Presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanilang campaign rally sa Camiguin, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Atty. Homer Mabale, leader ng Movement for Better Camiguin na pasado alas- 10 ng umaga ng harangin ang kanilang mga supporters sa may lumang munisipyo habang dumadaan ang mga ito.

Patungo umano ang kanilang mga supporters ng mga tauhan ni Jurdin Jesus M. Romualdo sa Freedom Park rally sa Mambajao ng nasabing lalawigan .

Subalit bago pa ito maganap ay isa- isa na umanong kinausap mismo ni Governor Romualdo ang mga supporters ni Duterte at pinagsabihang huwag ng pumunta pa sa gaganaping rally ngayong araw at pinag-aalis ang mga posters ng Alkalde

Tinataya namang nasa 100 supporters ni Duterte ang dadalo sa naturang rally  mula sa mga lugar ng Mahinor town, Sagay at Catarman.

Sa kabila naman ng tensyon itinuloy pa rin ng mga supporters ni Duterte ang  campaign rally.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with