^

Bansa

PNoy sa DA: siguruhin ang sapat na supply ng agri products

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III si Agriculture Sec. Proceso Alcala na siguruhin ang sapat na supply ng agricultural products sa mga pamilihan.

Ginawa ni Pangulong Aquino ang kautusan upang masiguro na may sapat na supply ng manok, gulay, baboy at isda sa mga pamilihan upang hindi tumaas ang mga presyo nito lalo’t malapit na ang Kapaskuhan.

Siniguro naman ni Sec. Alcala na stable na ngayon ang presyo ng manok sa mga pamilihan gayundin ang supply ng baboy, isda at mga gulay.

Aniya, wala namang dahilan upang tumaas ang presyo din ng bigas sa susunod na buwan dahil oras na ito ng anihan.

Upang masiguro ito ay palaging nakikipagpulong si Alcala sa sector ng agrikultura para masiguro ang sapat na supply nito at maayos na presyo nito sa pamilihan.

“Ang susi sa pagkakaroon ng sapat na supply ng agricultural products sa mga pamilihan ay ang palaging pakikipag-usap sa mga magsasaka at mangingisda para alamin ang kanilang problema sa produksyon upang maihatid naman ito ng gobyerno sa kanila,” wika pa ni Alcala. 

vuukle comment

AGRICULTURE SEC

ALCALA

ANIYA

GINAWA

INATASAN

KAPASKUHAN

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PROCESO ALCALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with