^

Bansa

Kris bumanat sa kritiko ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ni TV host/actress Kris Aquino ang mga kritiko ni Pangulong Aquino na tirahin na nila ng tirahin ang kanyang kuya dahil marami naman daw siyang paraan upang iangat si PNoy.

Ginawa ni Kris ang pahayag sa paggunita ng death anniversary ng kanilang inang si dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park, Parañaque.

“Sabi ko ‘Okay lang, tirahin niyo kami nang tirahin, marami naman kaming venue na iangat si Noy’,” wika nito.

Ipinagmalaki rin ng presidential sister na malaki ang kanyang ibinabayad na buwis sa gobyerno at hindi siya nanghihinayang dahil napupunta naman sa magandang programa at proyekto ang kanyang tax.

Wika pa ni Kris sa mga negatibong komento sa mga telebisyon sa kanyang kuya ay kaya niya itong sagutin.

“So i told my ate, “ate mas marami naman akong airtime sa kanila, starting today magdidilaw talaga ako,” dagdag niya.

Kasamang dumalo ni Kris sa misa sina PNoy, Ballsy at Biel. Naroon din ang ilang miyembro ng gabinete at ang ilang kaibigan ng pamilya at tagasuporta ni Cory.

Magbabalik muli ang pamilya Aquino sa nasabing puntod sa August 21 para gunitain naman ang ika-31 taong death anniversary ni dating Sen. Ninoy Aquino.

vuukle comment

AQUINO

BIEL

GINAWA

KRIS AQUINO

MANILA MEMORIAL PARK

NINOY AQUINO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG CORY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with