^

Bansa

Karapatan ng undocumented OFWs sa Saudi pinatitiyak

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas sa pamahalaan na tiyaking protektado ang karapatan ng undocumented overseas Filipino workers na maaapektuhan ng crackdown ng Saudi Arabia na nagsimula noong Lunes (Nob. 4).

“Kahit ilegal ang estado ng kanilang pagtatrabaho sa Saudi, tungkulin pa rin ng ating pamahalaan na tiyaking hindi naaapakan ang kanilang mga karapatan,” wika ni Arenas.

Ginawa ni Arenas ang panawagan kasunod ng ulat na ikinulong ng ilang araw ang mga illegal Pinoy workers bago pinasakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas.

Ayon pa kay Arenas, habang nakakulong ay nakaposas pa umano ang mga OFWs habang nasa detention center.

Noong Linggo, may 27 OFWs ang bumalik sa bansa at inaasahang darami pa ang mga ito sa susunod na mga araw.

Sa huling ulat na natanggap ni Arenas, hindi na magpapatupad pa ng extension ang Saudi Arabia sa amnesty period para makapagparehistro ang mga illegal workers sa nasabing kaharian.

Naglaan na ang pa­mahalaang Aquino ng dalawang bilyong piso para makapagsimula ng bagong negosyo ang mga babalik na OFW.

vuukle comment

AQUINO

AYON

DISTRICT REP

GINAWA

HINILING

NOONG LINGGO

RACHEL ARENAS

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with