^

Bansa

Palasyo tiwalang babalik si Jinggoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Buo ang tiwala ng Ma­la­cañang na tutuparin ni Sen. Jinggoy Estrada ang pa­ngako niyang babalik siya ng bansa matapos na umalis ito kamakalawa patungong Estados Unidos kasama ang kanyang maybahay.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. walang duda si Justice Secretary Leila de Lima na tutuparin ni Estrada ang kanyang pangako na uuwi sa Pilipinas.

Kabilang si Estrada sa mga personahe na kinasuhan ng plunder sa Ombudsman kaugnay ng anomalya sa P10 bilyong halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).  Umalis ng bansa kamakalawa si Estrada upang samahan ang kanyang maybahay na kumuha ng 2nd opinion kaugnay sa nakitang bukol sa dibdib nito.

Magugunita na naunang hiniling ni De Lima sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte ng 37 indibidwal kabilang si Estrada. 

Tinitiyak din ng Palasyo ng Malakanyang na walang sasantuhin ang gobyerno sa matutuklasang sangkot sa anomalya partikular sa iskandalo sa Priority Deve­lopment Assistance Fund, ayon kay Coloma.

Sinabi ni Coloma na ilang beses nang tiniyak mismo ni Pangulong Benigno Aquino III na kahit mga kaalyado ay hindi ligtas kapag may ebidensiyang magpapatunay na sangkot sila sa anomalya.

“Wala po ‘yang sini-sino, wala po ‘yang kinikilala kung ano man ang political affiliation, ano man ang posisyon o estado sa lipunan. Kinakailangan po ay pantay-pantay at patas ang paggawad ng hustisya,” wika pa ng PCOO chief.

Aniya, inanunsiyo na mismo ni Justice Secretary Leila de Lima na inihahanda na nila at maaaring mai-file na sa lalong madaling panahon ‘yung pangalawang complaint or information sa Office of the Ombudsman na patungkol din diyan sa PDAF.

vuukle comment

ASSISTANCE FUND

COLOMA

DE LIMA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ESTADOS UNIDOS

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SECRETARY LEILA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with