^

Metro

3 biktima ng salvage itinapon sa daan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong bangkay ng lalaki na hinihinalang bik­tima ng summary execution ang natagpuan sa isang kalye sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang mga biktima ay pawang mga walang pagkakaki­lanlan at pawang mga nasa pagitan ng edad na 25 hanggang 45. Isa sa kanila ay may Tattoo sa kaliwang braso na image ng Krus at sulat na Blind Fold sa likuran.

Nadiskubre sa  kalsada ng Champaca St., Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik sa lungsod   dakong alas-5 ng madaling araw ang bangkay ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng SOCO sa katawan ng mga biktima lumalabas na pawang nagtamo ang mga ito ng ligature marks sa kani-kanilang mga leeg na indi­kasyon na maaaring pinatay sa sakal. Wala ring iniwang plakard o nakuhang shabu sa crime scene.

vuukle comment

SALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with