^

Pang Movies

Pagkakaroon ng mga anak ni Marlon walang kaso kay Pia?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi naman masasabing expose talaga iyong pagkakalantad ng model na si Kit Barraquias tungkol sa kanyang kambal na sina Lilli at Violette na sinasabi niyang anak sa kanya ng car racer at syota ngayon ni Pia Wurtzbach na si Marlon Stockinger.

Nagkalat na pala ang picture ng kambal noon pa man dahil nagpo-pose na sila para sa mga magazine pictorial, hindi nga lang sinasabing anak sila ni Marlon Stockinger.

Wala rin namang issue dahil hindi naman naghahabol si Kit na pangatawanan pa ni Marlon ang obligasyon sa kanya at sa kanyang mga anak, dahil sinasabi naman niyang may sarili siyang hanapbuhay.

Hindi rin naman isang issue iyon para kay Pia dapat dahil hindi naman nagpakasal sina Marlon at Kit, na nagsabi pa ngang nag-split sila matapos ang halos isang taong relasyon at noong apat na buwan pa lang ang kanyang pagbubuntis. Ni hindi nga raw nakita ni Marlon ang kambal.

Legally, wala namang sabit si Marlon dahil hindi nga siya kasal kay Kit. Sabihin man nating may anak nga siya, eh ano naman? Hindi impediment ang pagkakaroon ng anak sa pagka­binata sa pagpapakasal later on. Kung iisipin hindi naman kaso iyon.

Siguro nga lang, medyo unpleasant iyon sa pandinig ng iba, pero ano ba ang masama kung may anak man siya? Ang masama ay kung sasabihing may nabuntis siya at ipinalaglag nila. Iyon ang hindi maganda. Pero iyong nagkaroon siya ng anak noong araw, at wala na rin naman siyang relasyon sa naging nanay ng mga anak niya, ano nga ba ang problema roon?

Lalaki lamang ang issue na iyan kung magi­ging mali ang handling, kagaya nga noong kina­sangkutan pa ng TV5 reporter na si Leila Chikadora. Natural lang sa reporter iyong nagtatanong. Minsan hindi nila nagugustuhan ang tanong, pero nagtatanong lang naman iyong tao.

Mas lumalala tuloy ang sitwasyon dahil sa over reaction ng ibang mga tao.

Bakat photo ni Matteo pinaglalawayan

Medyo late na nga lang nang kumalat kahapon iyong isang candid pero sexy pic ni Matteo Guidicelli. Siguro kung nakita iyon ng press bago ang media launching ng kanilang pelikulang Can’t Help Falling in Love, aba eh magiging subject ng tanungan iyon.

Kung sa tingin nila ay hindi sexy ang dating ni Matteo, aba napaka-sexy niya sa nasabing picture, to think na iyon ay isang candid photograph at hindi naman posed.

Umani na iyon ng napakara­ming likes sa internet, at halos lahat ng comment ay nagsasabing “ang suwerte pala talaga ni Sarah Geronimo kay Matteo.”

Pelikulang kabubukas lang, semplang!

Awang-awa kami sa isang tagalog movie nang madaanan naming ipinapalabas sa isang mall kahapon. Kabubukas pa lang, pero nasa isang sinehan lamang iyon at binigyan lang ng single screening. Maliwanag na kaya ganoon ay dahil flop nga ang pelikula. Hindi namin inaasahang magiging hit movie iyon, pero hindi naman namin akalain na ganoon ka-flop.

Dapat nga siguro pag-isipan munang mabuti kung pagagawin agad ng pelikula ulit ang mga artista ng pelikulang iyan. Basta ang isang pelikula ay kumita o naging flop sa first three days, dahil sa mga artista iyon. Basta kumita o nag-flop ang pelikula pagkatapos ng unang weekend, dahil na iyon sa kalidad. So alam n’yo na ang sagot.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with