^

PSN Opinyon

Kapit-tuko ang isang congressman

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko maintindihan kung bakit binibigyan pa ng pansin si Kabayan party-list Rep. Harry Roque. Isa siya sa mga mambabatas na kumokontra sa death penalty na pumasa ng batas ng Kongreso. Limitado lang ang death penalty bill ito ay para lang sa drug lords. Maganda sana kung isinama na rin sa batas ang rape at murder.

Sa panahon ngayon wala nang pinipili ang mga ra-pist, pati sanggol hindi na pinatawad at napakadali na ring pumatay ng tao, kahit simpleng away trapiko lang wala na silang takot pumatay. Ngayon, itong si Roque gustong idulog sa Supreme Court ang batas. Ayaw yata niyang mabawasan ng masasamang tao sa ating bansa.  Alam naman natin na kakampi niya ang CBCP na kontra rin sa death penalty.

Kung maaalala n’yo, itong si Roque ay hindi naman halal ng taumbayan, kundi siya ay representative lang ng isang party-list. Kung matatandaan n’yo siya ay sinipa na ng kanyang party-list member. Bakit hanggang ngayon hindi pa siya bumababa sa puwesto? Masyado siyang kapit-tuko sa puwesto! Nung una, tagahanga ako ni Roque. Maganda siyang magsalita. Pawang kabutihan lahat ang lumalabas sa kanyang bibig, kaya lang, nasobrahan yata nang lumaon nang puro na siya dada kulang naman pala sa gawa at hindi na nakakatuwa ang kanyang mga sinasabi. Mukhang ang gusto lang niya ay laging laman ng telebisyon, pahayagan at social media, kumbaga kulang sa pansin.

Nu’ng si Gloria Arroyo pa ang ating Presidente, tinanggal niya ang bitay, ngayong siya’y nasa Kongreso gusto niyang maging Speaker of the House. Huwag naman sanang mangyari ito at baka lalong hindi pumasa ang death penalty.

Sige, magkampihan kayo Gloria, Harry at CBCP. Ako, sinusuportahan ko si Pres. Digong Duterte na gustong ibalik ang death penalty.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with