^

PSN Opinyon

DSWD, kakalkalin

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAKU ha! May malaking problema kung totoo ito?

Ano? Sagot - may nawawala diumano’y billion of pesos halaga ng pondo para sa libu-libong biktima ng super bagyo ‘Yolanda’ during P. Noy and DSWD Secretary Dinky Solaiman.

Ano ang konek?

Sagot - kung totoo ang balita na naglahong parang bula ang billion of pesos noong panahon nila tiyak malaking paliwanagan ito para lumabas ang katotohanan.

Sabi nga, ayaw ni Boss Digong ang magik!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na hindi convincing ang mga sagot ni Dinky sa bagong administration tiyak may paglalagyan sila.

Tanong - saan?

Sagot - baka himas rehas? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other day ay kumanta si newly DSWD Secretary Judy Taguiwalo, kaya naman nakinig si Boss Digong sa mga ly­rics ng una.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ikinanta ni Judy ipinahihiwatig nito kay Boss Digong na busisiin ng husto ang kanyang lyrics dahil may naamoy siyang ‘irregularities’ noong nakaraan administrasyon tungkol sa usapin  ng bigayan blues sa emergency shelter assistance sa mga victims ng super typhoon Yolanda.

Naku ha.

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nadulas este mali natuklasan pala na may libu-libong biktima ng super bagyong Yolanda ang dehins ginaybihan ng emergency shelter assistance kasi dehins sila kaalyado ng ilang gago este mali local officials pala kaya naman tablado diumano ang mga pobreng alindahaw.

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ikinanta ni Tita Judy kay Boss Digong ay hindi puedeng gawan ng negative song dahil mataas ang kredibilidad at malaki ang tiwala ng madlang people sa bagong kalihim ng DSWD.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming nilagyan este mali nabigyan pala ng emergency shelter assistance ng salantain ni super bagyong ‘Yolanda” ang ilang probinsiya sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, marami rin mga biktima ni Yolanda ang nakinabang pero may 200,000 claimants ang nagpalagan from regions 6 at 8, dahil dehins sila naayos o nabigyan tungkol sa usaping emergency shelter assistance.

Naku ha!

Ano ba ito?

Tanong - asan ang sobrang salapi tungkol sa pinag-uusapan natin kung mayroon pa?

Sagot - iyan ang dapat sagutin ng mga dating opisyal ng gobierno.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibinida ni Taguiwalo, sa panahon ni Boss Digong ngayon bilang panggulo este mali pangulo pala matulin pa sa alas kuatro na madadala sa mga victims ang dapat na tulong para sa kanila at hindi na maghihintay pa nang 3 years para maibigay ito sa kanila.

Naku ha!

Ano ba ito?

Mga tirada ni Taguiwalo, alaws nang masisira, mabubulok o expire na relief goods sa kanilang mga warehouses dahil ipadadala nila agad ito sa lugar para tulungan ang mga biktima ng typhoon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibubuyangyang ni Tita Judy ang report ng DSWD before Nov. 8, ang 3rd year anniversary ng mga biktima ng super typhoon Yolanda.

‘Siguro rito magkakaalaman kung ano ang mga nangyari?’ sabi ng kuwagong binukulan.

Abangan.

vuukle comment

BUTCH M. QUEJADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with