^

Punto Mo

‘Mga sundalo pasok laban sa droga’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

MAS seryoso ang kampanya ng administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga. Mas pinakalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Task Force Noah para masawata ang problema ng bansa sa iligal na droga.

Sa rami ng kontrobersya at isyu na kinakaharap ng Philippine National Police (PNP) at habang iniimbestigahan ito at nililinis mula sa mga tiwaling pulis ang AFP ang katuwang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para hulihin ang mga taong konektado sa iligal na droga.

Naniniwala kasi ang Presidente na kapag may kaayusan at kapayapaan sa isang lugar ang negosyo at ibang bagay ay kasunod na nito. Maaakit ang mga negosyante na magpunta sa bansa dahil walang pinanga-ngambahang panganib.

Nagpahayag na rin ang Presidente na para magawa ito ay kinakailangan niya ng tulong ng bawat isa. Isa na rito ang AFP para protektahan ang mga tao hindi lang laban sa iligal na droga kundi pati na rin sa terorismo.

Maraming tao na ang kinidnap ng mga bandidong grupo at kapag wala kang maibigay na pera bilang ransom pupugutan ito ng ulo.

Mahigit isang batalyon o limang daang sundalo ang itinalaga ng AFP bilang tutulong sa PDEA. Pero posibleng umabot ito sa limang libong sundalo depende sa hinihingi ng sitwasyon.

Nilinaw din nila na nandiyan lang sila bilang taga-suporta sa PDEA at ang ahensyang ito pa din ang mangunguna kasama ang National Bureau of Investigation (NBI).

Sa pinatinding lakas laban sa iligal na droga asahan na ang kampanyang ito ay mas magiging madugo.

Mas malakas na pwersa ito dahil special action force ang nakatalaga. Dalawang problema pa ng bansa ang reresolbahin ng AFP. Ang kampanya laban sa iligal na droga at ang tungkol sa mga terorista na nakaambang manggulo sa Pilipinas.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451.

Kung gusto niyo naman akong makausap ng diretso maaari kayong tumawag sa numerong 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

SUNDALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with