^

Probinsiya

‘Most wanted’ kumasa sa warrant ops, todas!

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
‘Most wanted’ kumasa sa warrant ops, todas!
Kinilala ang suspek sa alyas na “Onggot,” nasa hustong gulang, kabilang sa national level “most wanted person” residente ng lugar.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang lalaking “most wanted” matapos umanong kumasa sa mismong “Araw ng mga Patay” sa Barangay Tua, Magallanes, dito sa lalawigan, kamakalawa

Kinilala ang suspek sa alyas na “Onggot,” nasa hustong gulang, kabilang sa national level “most wanted person” residente ng lugar.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office, wanted ang suspek sa mga kasong murder at frustrated murder at may nakalaang pabuya mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Batay sa ulat, nagkasa ng warrant operation ang Bacoor City Police sa direktiba ni PLt. Col. Alexie A. Desamito, katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 4A (RMFB 4A), Maga­llanes Municipal Police Station at Directorate for Intelligence ng Philippine National Police (PNP).

Sa tala ng Cavite Police Provincial Office (Cavite PPO), alas-10:30 ng umaga, bitbit ng grupo ang warrant of arrest laban sa suspek para sa mga kasong murder at frustrated murder na inilabas noong Enero 4, 2012 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 30 sa Ba­laoan, La Union.

Nang maabutan ang suspek, nagtangka umanong tumakas at diumano’y nagpaputok ng baril laban sa mga opera­tiba. Dito na nagkaroon ng habulan at palitan ng putok hanggang sa masukol at mapatay ang suspek.

Nakuha sa lugar ang dalawang baril, kabilang ang isang kalibre .45 pistol na natagpuan malapit sa katawan ng suspek, at isa pang maikling baril.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with