^

Police Metro

Bagong silang na sanggol iniwan sa gate ng bahay

Joy Cantos - Pang-masa
Bagong silang na sanggol iniwan sa gate ng bahay
Foot of a baby
Anugrah Lohiya via Pexels

MANILA, Philippines — Isang bagong silang na batang lalaki ang inabandona sa labas ng gate ng isang bahay sa Brgy. Day-as, Cordova, Cebu, nitong Lunes ng alas-4:00 ng hapon.

Ang sanggol ay may suot ng diaper at nasa tabi nito ang isang eco bag na naglalaman ng damit at isang feeding bottle na may lamang gatas.

Ayon kay Norlie Maligro, may-ari ng bahay na ang kanyang anak ang siyang dumampot sa sanggol at walang sulat na iniwan ng taong nag-abandona.

Ang insidente ay agad na iniulat sa barangay officials, na siya naman tumawag sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ang sanggol ay dinala sa isang health facility sa lugar at sa inisyal na examination ang sanggol ay nasa mabuti ang kondisyon.

Samantala, maraming mga tao ang nagkaroon ng interes na ampunin ang sanggol habang ang iba naman ay nagpaabot ng donasyon tulad ng diapers, gatas at iba pang pangangailangan ng sanggol.

Inihayag naman ng MSWDO na may kaukaulang proseso sa pag-aampon sa nasabing sanggol .

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung sino ang walang pusong ina na nag-abandona sa nasabing sanggol para panagutin.

BABY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with