Mekaniko tinodas; pulis utas sa mga kabaro

MANILA, Philippines — Isang mekaniko ang nasawi matapos barilin ng kaaway na pulis na namatay din nang makipagbarilan sa kanyang mga kabaro na rumesponde naganap sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan nitong Lunes.
Namatay noon din ang mekanikong si alyas “Willy” at suspek na pulis ay nakatalaga sa 2nd Operations Unit ng PNP Maritime Group.
Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang insidente, alas-11:50 ng umaga sa Sitio Marabahay, Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan.
Nagsimula ang insidente nang magpaputok ang pulis gamit ang kanyang issued firearm sa loob ng tanggapan ng kanyang yunit at pagkatapos ay pumunta ito sa lugar ng biktima at walang kaabog-abog na pinagbabaril na agad nitong ikinasawi.
Nang rumesponde ang mga otoridad ay nakipagbarilan ang pulis at napatay ng kanyang mga kabaro.
Narekober ang issued firearm ng pulis at isang kutsilyo na may habang humigit-kumulang 11 pulgada.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Palawan Police Provincial Office ang motibo at iba pang detalye ng krimen.
- Latest















