Baste Duterte pinadedeklarang ‘hostile witness’

MANILA, Philippines — Hihilingin ng prosecution sa Senate impeachment court na ideklarang “hostile witness” si Davao City Mayor Sebastian “Baste “ Duterte na una nang pinaisyuhan ng subpoena para dumalo at magbigay ng testimonya sa mga kontrata na pinasok ng kapatid nitong si Vice President Sara Duterte sa pamahalaang lungsod na balwarte ng kanilang pamilya.
Ito ang inihayag ni private prosecutor at Spokesman Benjamin “Jay” Tolosa Jr., kung saan susuriin ang testimonya ni Mayor Baste hinggil sa Gencorp. Industries, ang kumpanya na tinukoy ni VP Sara sa kaniyang SALN sa mga pinasok nitong kumpanya sa pamahalaang lungsod ng Davao.
“So gusto natin makita kung nagkaroon ba ng any dealings itong kumpanya na ito with the city government of Davao,” ani Tolosa.
Si Baste ay isa sa mga testigo na ipina-subpoena ng prosecution panel kaugnay ng pagbusisi sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs ) at mga corporate at iba pang mga rekord sa gobyerno ni VP Sara.
Inihayag ni Tolosa na nais nilang madetermina na ang GenCorp ay may transakyon sa pamahalaang lungsod ng Davao sa panahon ni Mayor Baste bilang alkalde at ma-establisa ang nasabing mga deals na pinasok ng naturang kumpanya sa naturang tanggapan. Itinakda ang pagdalo sa paglilitis ni Mayor Baste sa Setyembre 23.
- Latest
















