^

Pang Movies

Junior young star, pumapatol sa kabaro

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

PATI pala sa kapwa babae eh pumapatol pala itong magandang junior young star dahil sa may tsismis na meron na raw silang ugnayan ng isa ring magandang female star na may pangalan na rin.

Si female star ay matagal na ring natsitsismis na member ng LGBTQIA+. Pero nagkaroon na rin siya ng artistang boyfriend pero naghiwalay na sila!

Eh nang mahiwalay si junior young star sa kanyang actor boyfriend, nabalitang may sightings ang dalawa ng magkasama.

Eh mukhang nagkabalikan na si junior young star sa dati niyang dyowa, kaya medyo tahimik na ang closeness nila ng junior actress number 2!

Take note na si junior young star eh nareregalo sa mga pulitiko!

MediaQuest exec, na-starstruck kay Vice

NASELYUHAN na ang partnership ng MediaQuest, ang media holdings ng MVP Group of Companies at ng Queen of All Networks na si Vice Ganda.

Basta ayon kay MVP, ilalabas sa lahat ng platforms ang content ni Vice Ganda. Ayon naman kay VG, gusto niyang tulungan ang telebisyon na naging bahagi na ng showbiz career mula nang bigyan siya ng break ng Kapamilya.

After ng contract signing ng partnership, wilnelkam siya ng President at CEO ng MediaQuest Holdings na si Ricky Vargas.

Sa pahayag ni Sir Ricky, starstruck siya nang makita si Vice sa ibaba ng buil­ding, then, ninerbyos.

“I’ve never seen a star like her!

“Vice is a gift to the Filipinos, His gift is fun and we want to share this gift to the Filipinos!” pahayag ni Sir Ricky.

Abangan na lang natin ang mga pakabog ni Vice sa Kapatid Network!

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with