^

True Confessions

Apoy sa Balsa (25)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TINITIGAN ni Kael si Rhea nang matagal, ang kanyang mga mata ay sumasalamin sa paglubog ng araw. Unti-unti, itinaas niya ang kanyang kamay, tila nag-aalinlangan, bago marahang hinawakan ang braso ni Rhea. Ang kanyang hawak ay mahigpit ngunit puno ng pag-iingat.

“Natatakot din ako, Rhea,” bulong ni Kael.

Binalot ng katahimikan ang roof deck habang tuluyang nilalamon ng dilim ang lungsod at isa-isang lumiliwanag ang mga ilaw mula mga gusali. Ang init ng kamay ni Kael sa braso ni Rhea ay parang naging ­angkla sa gitna nang ­malakas na ihip ng hangin.

“Pero ikaw ang gusto ko. Kaya huwag mong unahan ang takot mo… dahil handa akong sumugal sa mundo mo.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Kael. Ang tindi ng determinasyon sa tinig ng dalaga ang tulu­yang nagpabagsak sa kanyang pag-aalinlangan. Lumuwag ang kanyang panga, at sa ­unang pagkakataon, pinalitan ng marubdob na pag-ibig ang kanyang mga pangamba. Inabot niya ang pisngi ni Rhea, ­naramdaman ang lambot nito sa kaniyang magaspang na palad, at unt-unting inilapit ang kanyang mukha.

Blag!

Bumukas ang mabigat na bakal na pinto ng roof deck.

“Ms. Rhea! Nandiyan po pala kayo!” boses iyon ni Amanda, ang kanyang secretary, na hinihingal pa habang hawak ang kanyang tablet. “Hinanap ko po kayo sa lahat ng floor! Emergency po, tumatawag si Ms. Agatha, may revision daw po sa campaign strategy—”

(Itutuloy)

RHEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with